Update sa Muling Pagbubukas ng mga Paaralan

Minamahal na Komunidad ng SLUSD,
Nais naming i-update kayo sa lagay ng muling pagbubukas ng ating mga paaralan para sa taong pampaaralan 2020-21, kabilang ang:
- Inihayag na ang Unang Araw ng Pasukan
- Timeline ng mga Mandatoryong Form at Pagkumpirma ng Datos
- Mga Pagbabago sa Serbisyong Pagkain
- Mga Paparating na Oportunidad sa Pakikipag-ugnayan sa Komunidad
- NA-UPDATE na Gabay ng Estado para sa COVID-19
| INANUNSYO ANG UNANG ARAW NG PASOK Ikinalulugod naming ianunsyo na ang unang araw ng pasok para sa taong pampaaralan 2020-2021 ay sa Lunes, Agosto 17. Isa itong pagbabago mula sa aming dating kalendaryo, kung saan magsisimula sana ang mga klase sa Miyerkules, Agosto 12. Ang bagong petsa ng pagsisimula na ito ay nagbibigay sa aming kawani ng pagkakataon para sa tatlong buong araw ng pagsasanay sa distance learning at pagkakataon para sa amin na mamahagi ng mga kinakailangang kagamitan sa aming mga mag-aaral at pamilya. Makakatanggap kayo ng higit pang mga detalye mula sa punong-guro ng inyong paaralan tungkol sa kung paano ipapamahagi ang mga kagamitan, kabilang ang mga Chromebook para sa sinumang mag-aaral na wala nito at mga hotspot para sa mga pamilyang walang serbisyo ng internet. |
| MANDATORYONG MGA PORMULARYO AT TIMELINE NG PAGKUMPIRMA NG IMPORMASYON Bago ang unang araw ng pasukan, ang lahat ng pamilya ay kinakailangang magkumpirma at mag-update ng impormasyon ng kanilang mag-aaral, sumuri sa mga patakaran ng SLUSD, at mag-apruba ng mahahalagang pormularyo na kailangan naming itago sa file para sa bawat mag-aaral. Ang prosesong ito ay higit pang mahalaga habang naghahanda tayong simulan ang taon ng pag-aaral na 2020-2021 sa isang distance learning na kapaligiran. Kukumpletuhin ang prosesong ito online sa pamamagitan ng Aeries Parent Portal. Tinatanggal nito ang pangangailangang magsagot ng mga papel na pormularyo at tinutulungan kaming mapabuti ang pakikipag-ugnayan. Ang pagkumpirma at pag-update ng impormasyon ng mag-aaral ay tinatawag na proseso ng Data Confirmation. Abangan ang isang mensahe sa ParentSquare mula sa SLUSD sa Lunes, Agosto 3 na gagabay sa inyo sa prosesong ito, kabilang ang tulong para sa mga pamilyang wala pang Aeries Parent Portal account. Mangyaring kumpletuhin ang proseso ng Data Confirmation sa pamamagitan ng inyong Aeries Parent Portal account bago sumapit ang Agosto 10. Tanging ang mga pamilyang nakakumpleto ng Data Confirmation sa Aeries Parent Portal ang makakatingin sa mga iskedyul ng mag-aaral/itinakdang silid-aralan kapag available na ang mga ito. Ang mga parent facilitator at office manager sa bawat paaralan ay handang tumulong sa inyo sa proseso. Mahahanap ninyo ang kanilang impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa direktoryo ng paaralan sa ParentSquare o sa website ng inyong paaralan. |
| MGA PAGBABAGO SA ATING PROGRAMA SA SERBISYO NG PAGKAIN Ang ating iskedyul ng programa sa pagkain sa tag-araw ay magpapatuloy hanggang Biyernes, Agosto 7, ngunit may mahalagang pagbabago pagkatapos ng petsang iyon. WALANG SERBISYO NG PAGKAIN SA LINGGO NG AGOSTO 10-14. Mangyaring tingnan ang aming website para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga libreng programa sa pagkain sa San Leandro sa panahong ito. Naghahanda ang aming kawani sa Serbisyo ng Pagkain para sa pagsisimula ng klase. Magsisimula muli ang serbisyo sa Lunes, Agosto 17 sa higit pang mga lokasyon. Kakailanganin ang mga Student ID upang makatanggap ng pagkain. Higit pang mga detalye tungkol sa prosesong iyon, mga lokasyon ng pamamahagi ng pagkain at mga oras ang darating sa susunod na linggo sa ParentSquare. |
| MGA PARATING NA PAGKAKATAON PARA SA PAKIKILAHOK NG KOMUNIDAD Ang aming mga tagapangasiwa sa bawat paaralan ay mag-aanyaya sa inyo sa lalong madaling panahon sa mga forum ng komunidad, bago magsimula ang klase. Ang mga pagpupulong na ito ay magbibigay sa inyo ng pagkakataong marinig ang higit pang mga detalye tungkol sa kung paano namin ihahanda ang mga mag-aaral at pamilya para sa distance learning na modelo ng pagtuturo at pagkatuto para sa taong pampaaralan 2020-2021. Manatiling nakatutok para sa mga impormasyong magmumula sa inyong mga punong-guro. |
| NA-UPDATE NA GABAY NG ESTADO PARA SA COVID-19 Noong nakaraang Biyernes, inihayag ni Governor Newsom ang kanyang plano para sa pag-aaral at mga ligtas na paaralan para sa taong pampaaralan 2020–2021, kasabay ng paglalabas ng Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng California ng isang balangkas kung kailan at paano dapat muling magbukas ang mga paaralan para sa harapang pagtuturo. “Makakasama natin ang virus sa loob ng isang taon o higit pa, at dapat magbigay ang mga school district ng makabuluhang pagtuturo sa gitna ng pandemyang ito,” sabi ni Governor Newsom. “Sa California, ang datos sa kalusugan ang magpapasiya kung kailan maaaring pisikal na magbukas ang isang paaralan – at kung kailan ito dapat magsara – ngunit hindi dapat huminto kailanman ang pag-aaral. Mas nais ng mga mag-aaral, kawani, at mga magulang ang pagtuturo sa loob ng silid-aralan, ngunit kung magagawa lamang ito nang ligtas.” Sa kabutihang palad para sa SLUSD, gumawa na ng hakbang ang Lupon ng Edukasyon upang simulan ang taon ng pag-aaral sa isang distance model bago pa ang utos ni Governor Newsom, ngunit ang gabay na ito ay nangangahulugang maaaring manatili ang SLUSD sa distance learning nang mas matagal kaysa sa inaasahan kung mananatili ang Alameda County sa watch list ng estado dahil sa “mataas na pagkahawa ng sakit.” Makikita mo ang lahat ng sukatan na may kaugnayan sa pagtugon sa COVID-19 sa California DITO. |
Mag-ingat, manatiling malusog, at asahan ang higit pang detalye sa nalalapit na pagsisimula ng klase,
Mga Komunikasyon ng SLUSD