Mensahe ng Punong-guro
Minamahal na mga Pamilya ng Jefferson,
Maligayang pagdating sa taong panuruan 2020-2021 sa Jefferson Elementary, ang tahanan ng mga Jaguar at ng ating paboritong kulay, lila! Ang pangalan ko ay Judith Alcalá, at ako ang inyong punong-guro. Una sa lahat, nais kong tanggapin ang lahat ng aming mga bagong pamilya na sumasama sa amin ngayong taon. Nais ko sana na nagsisimula tayo ng klase sa karaniwang taon ng pag-aaral upang personal ninyong maranasan ang magandang komunidad ng paaralang ito, ngunit dahil tayo ay sasailalim sa buong distance learning—ibig sabihin ay magiging online ang lahat ng klase at pagpupulong—hahanap tayo ng iba pang mga paraan upang linangin ang ating matatag na diwa ng komunidad.
Pangalawa, kami bilang kawani ng paaralan, ay nais magpasalamat sa lahat ng aming nagbabalik na pamilya para sa kanilang pakikipagtulungan at pagsusumikap sa mga nakaraang buwan ng pasukan. Sama-sama bilang isang paaralan, nagkaisa tayo at nagtuon sa ating mga mag-aaral!
Nasa ibaba ang mga pangalan at email ng inyong pangkat ng pamunuan at opisina kasama ang aming mga email. Maaari mo rin kaming tawagan sa telepono at mag-iwan ng mensahe sa aming mga extension.
- Judith Alcala, Principal: [email protected]
- Doris Castillo, Pangalawang Punong-guro: [email protected]
- Denise Potestio, Kawani sa Opisina: [email protected]
- Angie Castillo, Administrative Assistant:[email protected]
- Gloria Fernandez, Tagapangasiwa para sa mga Magulang: [email protected]
Numero ng Opisina: 510-618-4310
Inaasahan ko ang pakikipagtulungan sa inyo upang maibigay ang pinakamahusay na edukasyon para sa ating mga anak.
Taos-puso,
Judith Alcalá,
Prinsipal