SLUSD
Halkin ElementaryTumutugon at Personaladong mga Pathway sa Pagkatuto para sa Kahandaan sa Karera at Kolehiyo

Mga Sesyon ng Impormasyon para sa Independent Study

Laptop displaying a stack of books and graduation cap, surrounded by icons for a diploma, calendar, lightbulb, and magnifying glass.

Alamin ang tungkol sa mga programa ng independent study sa SLUSD, kabilang ang kung paano magpatala, sa isa sa mga sumusunod na sesyong pang-impormasyon:

Sesyon ng Impormasyon para sa Pamilya ukol sa Independent Study ng K-5
Hulyo 19 nang 4 PM
Sumali sa Zoom Meeting
Meeting ID: 815 3123 4098
Passcode: 920407

Sesyon ng Impormasyon para sa Pamilya sa Independent Study ng 6-12
Hulyo 20 nang 4 PM
Sumali sa Zoom Meeting
Meeting ID: 870 1082 3963
Passcode: 186023

May nakalaang pagsasalin sa Spanish at Cantonese. Ang mga sesyon ay irerekord at ang mga aplikasyon para magpatala ay iuugnay sa https://www.slusd.us/ sa Hulyo 20.

MGA DETALYE TUNGKOL SA INDEPENDENT STUDY:

May mga bagong batas na ipinapatupad para sa taong pampaaralan 2021-2022 na nagpapahintulot sa mga pamilya na humiling ng malayang pag-aaral (independent study). Kasama rito ang mga mag-aaral na malalagay sa panganib ang kalusugan dahil sa personal na pagpasok sa klase.

Magbibigay kami ng opsyon sa pag-aaral na independent study para sa taong pampaaralan 2021-2022 para sa mga mag-aaral na may natukoy na pangangailangan. Ang lahat ng programa sa independent study ay boluntaryo at kailangang magpakita ang mga mag-aaral ng positibong pag-unlad sa akademiko upang manatili sa programa. Ang Independent Study ay isang alternatibo sa pagtuturo sa silid-aralan nang personal, hindi isang alternatibong kurikulum. Ang mga mag-aaral na nakatala sa Independent Study ay kinakailangang lumahok araw-araw at ang regular na pakikipag-ugnayan sa guro ay kinakailangan bilang bahagi ng programa.

Ang programa para sa mga baitang 9-12 ay magkakaroon ng hindi bababa sa isang oras ng pakikipag-ugnayan sa guro bawat linggo. Para sa mga baitang TK-8, ang mga mag-aaral ay maaaring magkaroon ng 2-5 oras ng pakikipag-ugnayan bawat linggo depende sa disenyo ng programa. Ang live at sabay-sabay (synchronous) na oras ng pakikipag-ugnayan sa guro ay maaaring kumpletuhin online o nang personal. Kakailanganing lumagda ang mga mag-aaral at mga magulang/tagapangalaga sa isang kasunduan/kontrata sa pagkatuto upang makasali.

Para sa mga tanong, makipag-ugnayan kay Elisa Alvarez sa [email protected].