Mga Panuntunan at Patakaran
Patakaran sa Pagdalo
Pagpasok sa Klase = Tagumpay
Ang pang-araw-araw na pagdalo ay napakahalaga sa tagumpay ng mag-aaral sa SLHS. Upang magtagumpay at makakuha ng mga kredito, dapat pumasok ang mga mag-aaral sa bawat klase araw-araw at dumating sa tamang oras.
Paano ako mag-uulat ng mga pagliban?
Iulat ang anumang pagliban ng iyong mag-aaral sa lalong madaling panahon. Maaari kang makipag-ugnayan sa opisina ng Pagpasok (Attendance) ng SLHS sa maraming paraan:
- Direkta sa pamamagitan ng ParentSquare app
- Mag-email sa opisina ng pagdalo sa [email protected]. Tiyaking ilagay ang pangalan ng iyong anak at ang petsa ng pagliban sa iyong mensahe.
- Sa pamamagitan ng telepono sa (510) 618-4600 ext. 4601. Siguraduhing ilagay ang pangalan ng iyong anak at ang petsa ng pagliban sa iyong mensahe.
Kailangan ba ng mga liham para sa pagliban at pagkahuli?
- Kung ang iyong mag-aaral ay lumiban sa paaralan sa anumang dahilan, ang pagliban ay DAPAT maipaliwanag sa loob ng 48 oras, kundi ay itatala ito bilang cut.
- Maaari kang tumawag sa Attendance Office upang ipaliwanag ang liban. Kung hindi ka tatawag sa Attendance Office, sa pagbalik sa paaralan, ang mag-aaral ay DAPAT magkaroon ng sulat mula sa magulang/tagapangalaga na nagpapaliwanag sa pagliban. Dapat nakasaad sa mga sulat ang buong pangalan at apelyido ng mag-aaral at agad itong dalhin sa Attendance Office sa pagbalik ng mag-aaral sa paaralan.
- Maaaring alamin ng mga magulang ang attendance ng isang mag-aaral sa pamamagitan ng pagtawag sa Attendance Office anumang oras sa pagitan ng 7:30 am at 3:30 pm sa 618-4600 ext. 4601. Masaya silang tutulong sa inyo para sa anumang impormasyon tungkol sa attendance ng inyong mag-aaral.
Maaari bang umalis ang mga mag-aaral sa tanghalian?
Ang SLHS ay isang saradong campus, at hindi maaaring lumabas ng campus ang mga mag-aaral sa oras ng tanghalian.
Paano ko maagang mai-sign out sa paaralan ang aking mag-aaral?
Bago magsimula ang klase sa umaga, ang iyong mag-aaral ay dapat kumuha ng Permit to Leave mula sa Attendance Office tuwing mayroon silang appointment o kailangang umalis ng paaralan sa anumang dahilan. Ang isang sulat mula sa magulang/tagapangalaga o isang tawag sa telepono mula sa magulang/tagapangalaga ay dapat maibigay sa araw ng appointment.
Patakaran sa Pagkahuli (Tardy)
Mga Depinisyon/pag-uulat:
- Ang tardy o pagkahuli ay binibigyang-kahulugan bilang pagdating ng mag-aaral nang huli sa klase (pagkatapos tumunog ng kampana).
- Hindi pinapayagang lumabas ang mga mag-aaral sa unang 10 minuto o huling 10 minuto ng klase maliban kung may emerhensya.
Mga Kahihinatnan ng Pagkahuli/Pagliban sa Klase (Tardies/Cuts):
- Patakaran sa Pagkahuli (Tardy Policy): Araw-araw na inaabisuhan ang mga magulang/tagapag-alaga sa pamamagitan ng ParentSquare tungkol sa mga araw-araw na pagliban at pagkahuli.
- Ang mga mag-aaral na may maraming huli (tardy) sa buong araw ay bibigyan ng detention.
Patakaran sa Disiplina
Asal ng Mag-aaral
Kailangan ang mga pamantayan para sa katanggap-tanggap na pag-uugali upang makapagbigay ng kapaligirang angkop sa pagkatuto. Nagtakda ang San Leandro High School ng mga naturang pamantayan, alinsunod sa mga layunin at pilosopiya ng paaralan, na naglalayong magbigay ng gayong kapaligiran gayundin ang tumulong na maitanim ang mabuting pagkatao at disiplina sa sarili sa ating mga mag-aaral. Ang mga pamantayang ito ay naisasakatuparan sa pamamagitan ng pinagsama at nagtutulungang pagsisikap ng mga guro, mag-aaral, at mga magulang.
Bagama't ang pagiging natatangi ng bawat kaso ang magtatakda ng angkop na pamamaraan, responsibilidad ng guro na lutasin ang mga problema sa pag-uugali sa antas ng silid-aralan hangga't maaari. Gayunpaman, dapat bigyang-diin na ang kawani ng Counseling at ang mga Assistant Principal ang may pananagutan sa pagbibigay ng suporta at serbisyo na maaaring kailanganin ng guro. Ang ganitong patakaran ay nilayon upang mapahusay ang isang epektibong ugnayan sa pagkatuto sa pagitan ng guro at mag-aaral. Dapat gamitin ang lahat ng mapagkukunan sa mga pagtatangkang lutasin ang problema.
Dapat maagang makilahok ang mga magulang; kung kinakailangan, dapat gamitin ang lahat ng tauhan ng paaralan upang matukoy ang problema at magkaroon ng positibong pagbabago sa pag-uugali. Ang maagang pagtukoy sa umuusbong na problema at agarang pagwawasto ay kadalasang nakakapigil sa paglitaw ng mas malulubhang problema sa pag-uugali.
Saradong Campus
Ang San Leandro High School ay isang closed campus. Dapat manatili ang mga mag-aaral sa loob ng campus sa buong araw ng pasok, kabilang ang mga nutrition break. Ang mga paradahan at ang harapan ng paaralan ay bawal puntahan ng mga mag-aaral sa oras ng klase, kabilang ang mga passing period at nutrition break. Ang tanging mga eksepsiyon ay ang mga mag-aaral na naka-enroll sa mga espesyal na programa tulad ng Regional Occupational Center Program (ROP). Ang sinumang mag-aaral na aalis ng campus ay dapat may ROP pass o PERMIT TO LEAVE na ibinigay ng Attendance office. Ang mga mag-aaral na aalis nang walang pass ay mamarkahan ng cut at maaaring kapkapan/suriin pagbalik. Ang pool area, backfield, at back gate ay pawang bawal puntahan sa oras ng tanghalian.- MAG-SIGN OUT BAGO ka umalis para sa isang appointment (doktor/dentista, pagkakasakit, o para sa mga personal na dahilan)
- MAG-SIGN IN kapag babalik sa paaralan o papasok nang huli. Hindi pinapayagang umalis ang mga mag-aaral upang bumili ng pagkain para sa tanghalian. Kung nais ng mga magulang na maghatid ng pagkain para sa mag-aaral sa tanghalian, dapat itong dalhin sa oras upang magkaroon ng panahong kumain ang mag-aaral sa itinakdang oras ng tanghalian.
Patakaran sa Mapoot na Pananalita/Gawi na Udyok ng Poot (Hate Motivated Behavior)
“Lahat ng mag-aaral ay may karapatang ganap na lumahok sa proseso ng edukasyon, nang malaya sa diskriminasyon at panliligalig.” (State of California Education Code, Sek. 45). Bilang pagsuporta sa Education Code at sa Board Policy 6.2(18) ng San Leandro Unified School District, hindi kinukunsinti ng San Leandro High School ang anumang uri ng mapoot na pananalita at/o pag-uugaling udyok ng poot. Ang nasabing pag-uugali ay binibigyang-kahulugan bilang pasalitang panliligalig at/o mga gawaing nang-aalipusta sa isang indibidwal batay sa mga personal na katangian o katayuan. Kabilang sa mga katangiang ito, ngunit hindi limitado sa, lahi, etnisidad, kultura, pamanang lahi, sekswalidad, o relihiyon. Ang mga mag-aaral na gagawa ng nasabing pananalita o mga gawain ay sasailalim sa aksyong pandisiplina, kabilang ang suspensiyon at/o pagpapatalsik sa paaralan (tingnan din ang pahina 14, Kodigo ng Disiplina). Kung sa tingin mo ay biktima ng pambu-bully ang iyong anak, mangyaring makipag-ugnayan sa opisina.
Pangangatawan at Pag-uugali sa Pasilyo at mga Hall Pass
Hindi dapat lumabas ng klase ang mga estudyante nang walang nakikitang pass at hindi dapat lumabas sa unang 10 minuto at huling 10 minuto ng oras ng klase. Ang mga estudyanteng nasa labas ng klase ay paparahin ng mga campus supervisor at hihingan ng hall pass at student I.D. card. Ang mga estudyanteng walang wastong pass o pagkakakilanlan ay sasailalim sa aksyong pandisiplina. Habang nasa aming mga pasilyo at karaniwang lugar, magpakita ng kaligtasan, pananagutan, integridad, at pamumuno.
Mga Pamantayan sa Pananamit
Layunin naming mapanatili ang isang ligtas at maayos na kapaligiran upang makapagtuon ang mga mag-aaral sa pag-aaral.- Dapat laging may suot na sapin sa paa sa lahat ng oras para sa kalusugan at kaligtasan.
- Hindi pahihintulutan ang pananamit na nananakot, nangha-harass, mapanghamak, at salungat sa misyon ng paaralan.
- Paggamit ng Kalaswaan o Pagmumura: Bilang suporta sa Patakaran ng Lupon ng San Leandro Unified School District, hindi pinahihintulutan ng San Leandro High School ang pagmumura sa mga silid-aralan o sa bakuran ng paaralan. Ang mga mag-aaral na gagawa ng ganitong pag-uugali ay sasailalim sa aksyong pandisiplina, hanggang sa at kabilang ang suspensiyon.
Mga Bisita
- Hindi pinapayagan ang mga hindi mag-aaral sa campus. Hihilingan silang umalis kalakip ang paunawa na ang pangalawang paglabag ay magreresulta sa pagkaaresto. Hindi kami nagbibigay ng mga pass para sa bisita para sa mga Hindi Mag-aaral o mga nasa hustong gulang na walang wastong dahilan para pumunta sa campus.
Transportasyon
- Mga Bisikleta at Skateboard na Ginagamit para sa Transportasyon: Hindi pinapayagan ang mga bisikleta sa mga pasilyo kailanman. Ang mga bisikletang sinasakyan papunta sa paaralan ay DAPAT iparada sa isang bike rack at hindi maaaring sakyan o itulak lakad sa campus sa mga oras ng klase. Ang mga skateboard na sinasakyan papunta sa paaralan ay HINDI DAPAT sakyan sa loob ng campus.
- Mga Ipinagbabawal na Bagay: Walang balidong dahilan ang isang mag-aaral para magdala ng ilang partikular na bagay sa campus, kahit na pinapayagan ng mga magulang ang kanilang anak na hawakan ang mga ito sa labas ng campus. Bukod sa mga hayagang ipinagbabawal na bagay tulad ng mga sandata, habang nasa campus, hindi dapat magkaroon ang mga mag-aaral ng mga kagamitang may kaugnayan sa paggamit ng droga, felt marking pen o spray paint na may kaugnayan sa graffiti, mga malalaswang larawan o babasahin, anumang uri ng paputok, o mabibigat na alahas o iba pang aksesorya na maaaring gamitin bilang sandata. Kung piliin man ng mag-aaral na dalhin pa rin ang mga ito sa paaralan, walang pananagutan ang paaralan kung mawala ang mga ito. Kukumpiskahin ng paaralan ang anumang elektronikong kagamitan na hindi nararapat sa campus.
Mababawi ng mga mag-aaral na nakumpiskahan ng mga elektroniko ang mga ito sa pagtatapos ng araw sa unang pagkakataon. Sa ikalawa at mga susunod na pagkakataon, ang mga magulang ang dapat sumundo/kumuha. Ipapatupad din ang progresibong disiplina.
Maaaring kunin ang mga kinumpiskang gamit sa opisina ng assistant principal. Ginagawa ang lahat ng pagsisikap upang mapanatiling ligtas ang nakumpiskang pag-aari. Gayunpaman, ang paaralan ay walang pananagutan sa mga gamit na maaaring mawala o mailagay sa ibang lugar.
Paradahan-Mag-aaral
Ang paradahan ng mga mag-aaral ay sa bandang timog na paradahan ng shop at sa paradahan sa pagitan ng gym at ng mga tennis court. Ang takdang bilis sa campus ay 5 milya bawat oras.
Patakaran sa Sekswal na Panliligalig (Sexual Harassment)
Ang sekswal na panliligalig ay lumalabag sa Title VII o sa Civil Rights Act of 1964, mga alituntunin sa regulasyon ng Equal Employment Opportunity Commission, batas ng California, at patakaran ng Lupon ng Distrito. Samakatuwid, hindi palalampasin ang sekswal na panliligalig.Mga Halimbawa ng Sekswal na Panliligalig (Sexual Harassment):
- Hindi kanais-nais na pagtitig nang may malisya, sekswal na panunukso, o mga mungkahi
- Hindi kanais-nais na mga sekswal na panlalait, bansag, banta, berbal na pang-aabuso, mapanghamak na komento o mga paglalarawang nagpapababa ng sekswal na dignidad
- Maseselang berbal na komento tungkol sa katawan ng isang indibidwal o labis na personal na pag-uusap
- Mga bastos o sekswal na biro, kwento, guhit, larawan, o kilos
- Pagpapakalat ng mga sekswal na tsismis
- Panunukso o mga sekswal na komento
- Panghihipo sa katawan o damit ng isang tao sa paraang sekswal
- Pagsukol o pagharang sa normal na paggalaw
- Pagpapakita ng mga bagay na may sekswal na pahiwatig sa kapaligirang pang-edukasyon
Disiplina at Paghinto sa Pagpasok
Mga Suspensiyon
Itinuturing ng Board of Education na responsable ang lahat ng tauhan para sa wastong pag-uugali at pagkontrol sa mga mag-aaral habang nasa ilalim ng legal na pangangasiwa ng paaralan at sinusuportahan ang lahat ng tauhang kumikilos ayon sa balangkas ng batas ng Estado at Pederal at patakaran ng distrito. Sususpindihin ang mga mag-aaral kapag ang iba pang pamamaraan ng pagwawasto ay nabigong magbunga ng wastong pag-uugali o kapag nanganganib ang agarang kaligtasan ng mga kawani at mag-aaral. Para sa mga layunin ng patakarang ito, ang “suspensiyon” ay binibigyang-kahulugan bilang pag-alis sa isang mag-aaral mula sa kasalukuyang pagtuturo para sa mga layunin ng pagwawasto ngunit hindi kasama ang pag-alis sa klase para sa natitirang bahagi ng klase nang higit sa isang beses bawat limang araw ng pasok sa paaralan.
Mga Eksklusibong Dahilan para sa Suspensiyon
Upang magsuspinde o magrekomenda ng pagpapatalsik (expulsion), dapat matukoy ng Assistant Principal na ang mag-aaral ay nakagawa ng anumang paglabag na tinukoy sa Class 1 sa ibaba o matukoy na ang mag-aaral ay nakagawa ng anumang paglabag na tinukoy sa Class 2 sa ibaba at (1) ang iba pang mga paraan ng pagwawasto ay hindi posible o paulit-ulit na nabigong magdulot ng tamang pag-uugali, (2) dahil sa uri ng paglabag, ang presensya ng mag-aaral ay nagdudulot ng patuloy na panganib sa pisikal na kaligtasan ng mag-aaral o ng iba.
Mga Paglabag sa Class I
Nagdulot, nagtangkang magdulot, o nagbanta na magdudulot ng pisikal na pinsala sa ibang tao. Nagmay-ari, nagbenta, o nagbigay ng anumang baril, kutsilyo, pampasabog, o iba pang mapanganib na bagay maliban kung, sa kaso ng pagmamay-ari ng alinmang naturang bagay, ang mag-aaral ay nakakuha ng nakasulat na pahintulot na hawakan ang bagay mula sa isang sertipikadong empleyado ng paaralan, na sinang-ayunan ng isang tagapangasiwa ng paaralan.
Ilegal na nagmay-ari, gumamit, nagbenta, o nagbigay, o nasa ilalim ng impluwensya ng anumang kontroladong sangkap, inuming may alkohol, o anumang uri ng nakalalasing. Ilegal na nag-alok, nag-ayos, o nakipag-usap upang magbenta ng anumang kontroladong inuming may alkohol o anumang uri ng nakalalasing, at pagkatapos ay nagbenta, naghatid, o nagbigay sa sinumang tao ng ibang likido, sangkap, o materyal bilang isang kontroladong sangkap, inuming may alkohol, o nakalalasing.
Nagsagawa ng pagnanakaw o pangingikil (extortion).
Mga Paglabag sa Class 2
Nagdulot o nagtangkang magdulot ng pinsala sa ari-arian ng paaralan o pribadong ari-arian.
Nagnakaw o nagtangkang magnakaw ng ari-arian ng paaralan o pribadong ari-arian.
Nagtataglay o gumamit ng tabako, maliban kung itinatadhana sa mga patakaran at alituntuning pinagtibay ng namamahalang lupon (governing board).
Paggawa ng malaswang gawain o palagiang pagmumura o paggamit ng bulgar na pananalita.
Labag sa batas na nag-alok, nagsaayos, o nakipagnegosasyon na magbenta ng anumang kagamitan sa droga.
Nanggulo sa mga gawain sa paaralan o kusang sumuway sa may-bisang awtoridad ng mga tagapangasiwa, guro, administrador, opisyal ng paaralan, o iba pang tauhan ng paaralan na gumaganap sa kanilang mga tungkulin.
Sekswal na Panliligalig (Sexual Harassment)
Simula noong Enero 1, 1993, ang Kodigo sa Edukasyon ng Estado ng California ay sinusugan upang tukuyin ang mga aksyong pandisiplina para sa mga mag-aaral na nasasangkot sa paggawa ng sekswal na panliligalig. Binibigyang-kahulugan ng Kodigo sa Edukasyon ang sekswal na panliligalig bilang:“mga hindi kanais-nais na sekswal na pagpapahiwatig, paghingi ng mga sekswal na pabor, at iba pang berbal, biswal o pisikal na paggawi na may sekswal na katangian na ginawa ng isang tao…sa (isang)…pang-edukasyong kapaligiran sa ilalim ng ilang kundisyon kabilang ang mga sumusunod: kung ang paggawi ay may layunin o epekto na makasakit sa trabaho o akademikong pagganap ng indibidwal o lumikha ng isang nakakatakot, masungit…na pang-edukasyong kapaligiran,”kung gayon ay nagkaroon ng sekswal na panliligalig.
Idinagdag din ngayon ng batas na ang isang mag-aaral ay maaaring masuspinde mula sa paaralan o irekomenda para sa pagpapatalsik (expulsion) dahil sa sekswal na panliligalig.
Suspensiyon ng Guro
Maaaring magsuspindi ang isang guro mula sa klase para sa araw ng suspensiyon at sa susunod na araw para sa paglabag na class 1 o class 2, basta't nakumpleto ang mga sumusunod bago umalis ang guro sa paaralan sa araw na iyon:
Iulat agad ang suspensiyon at papuntahin ang mag-aaral sa Assistant Principal. Sa lalong madaling panahon, hihilingin ng guro sa magulang o tagapag-alaga ng mag-aaral na dumalo sa isang pagpupulong ng magulang at guro (parent-teacher conference) tungkol sa suspensiyon. Dadalo ang isang assistant principal sa pagpupulong sa kahilingan ng guro, at hangga't maaari, dapat ding dumalo sa pagpupulong ang isang tagapayo sa paaralan (counselor) o psychologist ng paaralan.
Mga Takdang-Aralin
Maaaring hilingin ng guro ng anumang klase kung saan sinuspinde ang isang mag-aaral na kumpletuhin ng nasuspindeng mag-aaral ang anumang mga takdang-aralin at pagsusulit na hindi nakuha habang suspendido. Ang mga mag-aaral na nakabinbin ang pagpapatalsik at inalis sa campus ay mga mag-aaral pa rin ng SLHS hanggang sa mapatalsik ng board. Dapat kang magbigay ng takdang-aralin/pangmatagalang mga gawain para sa kanila. Ang mga gawaing ito ay maaaring mga alternatibong takdang-aralin at proyekto. Kung makumpleto ng mag-aaral ang mga gawaing ito, dapat magbigay ang guro ng marka para sa kanilang gawa.
Pag-apela sa Suspensyon
Kung ang suspensyon ay iniutos ng isang Assistant Principal, ang mag-aaral o ang magulang o tagapag-alaga ng mag-aaral ay may karapatang humiling ng pakikipagpulong sa Principal. Ang pagpupulong ay gaganapin sa loob ng tatlong (3) araw ng pasok mula sa oras na matanggap ang naturang kahilingan. Kung matukoy ng Principal na ang ipinataw na parusa ay hindi angkop para sa paglabag, ang lahat ng talaan at dokumentasyon tungkol sa suspensyon ay babaguhin upang ipahiwatig lamang ang mga katotohanang humantong sa ipinataw na parusa, o sisirain kung matukoy na walang batayan ang suspensyon.
Mga Tungkulin ng Guro
DISIPLINA SA SILID-ARALAN – REFERRAL
PAMAMARAAN
Susunod ang mga guro sa isang positibo at progresibong programa sa pagdidisiplina upang garantiyahan ang mga karapatan ng mga mag-aaral sa angkop na proseso (due process). Kasama sa mga eksepsiyon ang karahasan, pagkalasing, mga armas o droga. Dapat gamitin ang mabuting pagpapasya kapag humahawak ng disiplina. Kabilang sa mga usapin sa silid-aralan ang maling pag-uugali, pag-alis sa klase nang walang pahintulot, hindi angkop na pananalita, pagkahuli sa klase, paglabag sa mga patakaran ng paaralan o klase, at hindi pagdalo sa detention.
Susunod ang mga guro sa isang positibo at progresibong programa sa pagdidisiplina upang garantiyahan ang mga karapatan ng mga mag-aaral sa angkop na proseso (due process). Kasama sa mga eksepsiyon ang karahasan, pagkalasing, mga armas, o droga. Dapat gamitin ang mabuting pagpapasya kapag humahawak ng disiplina. Kabilang sa mga usapin sa silid-aralan ang maling pag-uugali, pag-alis sa klase nang walang pahintulot, hindi angkop na pananalita, pagkahuli sa klase, paglabag sa mga patakaran ng paaralan o klase, at hindi pagdalo sa detention.
Dapat maagang isali ang mga magulang; dapat gamitin ang lahat ng tauhan ng paaralan, kung kinakailangan, upang matukoy ang problema at magsagawa ng positibong pagbabago sa pag-uugali. Ang pagkilala sa isang umuusbong na problema at agarang pagkilos upang iwasto ito ay kadalasang makapipigil sa mga seryosong problema sa pag-uugali.
- Tukuyin at bigyang-kahulugan ang problema at subukang lutasin ito sa pinakamaagang yugto sa pamamagitan ng pagpapayo ng guro/mag-aaral at pagpapaalala ng inaasahang angkop na pag-uugali.
- Magpataw ng parusa mula sa guro (detention).
- Pakikipag-ugnayan ng guro sa tahanan (humiling ng pagpupulong, tawag sa telepono).
- Mga Kahihinatnan ng Hindi Pagsunod sa mga Inaasahan sa Buong Paaralan
- Ang mga posibleng kahihinatnan para sa mga paglabag sa ating mga patakaran ay depende sa kalubhaan at naaayon sa Ed. Code.
- Pasalitang Babala at Paalala sa Inaasahang Pag-uugali.
- Pag-alis mula sa Kapaligiran sa Pag-aaral patungo sa Think Tank upang Makipag-ugnayan sa Magulang at magnilay sa Pag-uugali.
- Ibinigay na School Detention tuwing Martes at Huwebes pagkatapos ng klase mula 3:10-4:00 pm
- Posibleng Suspensiyon kung may paglabag sa Ed. Code
Patakaran sa mga Elektroniks
Nagsusumikap ang San Leandro High School na mapanatili ang isang produktibo at ligtas na kapaligiran sa pagkatuto para sa lahat ng mag-aaral. Ang mga cell phone ay mahalagang kagamitan para sa kaligtasan ng mag-aaral, para manatiling konektado sa pamilya at mga kaibigan, at para makilahok sa ilang partikular na aktibidad sa paaralan. Sa kasamaang-palad, kung hindi gagamitin nang responsable, maaari itong maging sagabal sa kapaligiran sa pagkatuto at maging puntirya ng pagnanakaw. Ang layunin ng liham na ito ay ibahagi sa inyo ang mga pagbabago sa patakaran sa cell phone sa San Leandro High School at muling bigyang-diin ang mga patakaran at pinakamahuhusay na kasanayan na tumutulong upang matiyak ang ligtas at angkop na paggamit ng mga cell phone.
Patakaran sa Cell Phone
Maliban kung iba ang tinukoy ng guro, ang mga cell phone* ay dapat
- Naka-off bago pumasok sa silid-aralan
- Naka-off at hindi nakikita sa loob ng silid-aralan
- Hindi bubuksan hangga't hindi pa nakakaalis ng silid-aralan ang mag-aaral
*Nalalapat ang patakarang ito sa mga earbud/headphone, smartwatch, at iba pang mga elektronikong aparato.
Ang mga sumusunod na aksyong pandisiplina ay ipapataw sa mga paglabag sa patakaran sa cell phone:
Unang paglabag: babala, abiso sa magulang
Ika-2 paglabag: kukumpiskahin sa opisina upang kunin ng mag-aaral pagkatapos ng klase; abiso sa magulang
Ika-3 paglabag: kukumpiskahin sa opisina upang kunin ng magulang
Ika-4 na paglabag: isusangguni sa isang tagapangasiwa para sa posibleng kumperensya ng magulang, suspensyon, o iba pang aksyong pandisiplina para sa paglabag sa Ed Code 48900(k)–Pagsalungat/panggugulo
Mga mungkahi upang maiwasan ang pagnanakaw ng cell phone
- Ang mga cellphone ay hindi dapat iwanan sa ibabaw ng mga desk, counter, bangko, o iba pang lugar na hayagang makikita. Ang pinakaligtas na lugar para sa mga cellphone ay sa bahay. Kung kailangang dalhin ang mga cellphone sa paaralan, dapat itong iwanan sa isang ligtas na lalagyan sa backpack ng mag-aaral, sa bulsa ng damit kung saan hindi ito makikita, o sa locker ng mag-aaral sa pasilyo.
- Hindi dapat iniiwan ang mga cellphone sa mga P.E. locker. Ang mga mag-aaral na kailangang magdala ng mga cellphone sa paaralan ay dapat mag-iwan ng kanilang mga cellphone sa kanilang mga locker sa pasilyo habang nagka-klase sa P.E. Mas ligtas ang mga locker sa pasilyo dahil may mga security camera sa mga pasilyo. Dapat palaging tiyakin ng mga mag-aaral na nakakandado nang maayos ang kanilang mga kandado at hindi dapat ibahagi kailanman ang kanilang mga kombinasyon.
- Ang lahat ng pamilyang nag-aalala tungkol sa pagnanakaw ng mga cellphone ay dapat tiyakin na ang cellphone ay may tracking at maa-access nila ang pag-track kung sakaling mawala ang telepono. Dapat ding kumuha ang mga pamilya ng insurance na nagpoprotekta laban sa pagnanakaw o pagkawala ng mga cellphone.
Pakikipag-ugnayan sa iyong estudyante sa oras ng pasok
Nauunawaan namin na may mga hindi inaasahang emergency at dahil dito ay tutulungan namin ang sinumang magulang o miyembro ng pamilya na kailangang makipag-ugnayan sa isang mag-aaral sa oras ng klase. Sinumang nais makipag-ugnayan sa isang mag-aaral ng SLHS sa labas ng oras ng tanghalian ay dapat tumawag sa opisina sa 510-618-4600. Maaaring iparating ng opisina ang mensahe sa mag-aaral o tawagin ang mag-aaral mula sa klase upang pumunta sa opisina para sagutin ang tawag sa telepono. Ang mga magulang/miyembro ng pamilya na sumusubok makipag-ugnayan sa kanilang mag-aaral sa pamamagitan ng cell phone ay hindi dapat umasa na makatatanggap ng sagot sa oras ng klase at sa halip ay dapat tagubilinan ang kanilang mag-aaral na sumagot sa oras ng tanghalian o pagkatapos ng klase.
Pakikipag-ugnayan ng mga mag-aaral sa mga pamilya sa oras ng klase
Sinumang mag-aaral na kailangang makipag-ugnayan sa kanilang pamilya sa oras ng klase ay dapat humingi sa kanilang guro ng pass para pumunta sa attendance o FTK office. Magche-check in ang mag-aaral sa kawani sa attendance o FTK office at papayagang tumawag gamit ang telepono ng paaralan.
Pandaraya sa mga gawain at pagsusulit:
Ang mga mag-aaral na mahuhuling gumagamit ng mga cellphone upang mandaya sa mga gawain o pagsusulit, bukod sa mga hakbang sa aksyong pandisiplina na nakasaad sa patakaran sa cellphone, ay maaaring makatanggap ng sero para sa gawain o pagsusulit. Maaaring maglapat ng mga karagdagang kahihinatnan sa mga mag-aaral depende sa kalubhaan ng sitwasyon. Bukod pa rito, ang pandaraya sa ilang partikular na pagsusulit na ipinag-uutos ng estado ay maaaring magresulta sa agarang suspensiyon mula sa paaralan at/o pagkawala ng mga pribilehiyo.