Mga Kinakailangang Dokumento at Form
Mangyaring ihanda ang mga sumusunod na dokumento kapag sinimulan mo ang iyong aplikasyon sa elektronikong pagpapatala. Sa panahon ng proseso ng aplikasyon, kakailanganin mong mag-upload, mag-scan, o kumuha ng litrato ng mga dokumentong ito.
Impormasyon ng Mag-aaral:
- Sertipiko ng Kapanganakan (Birth Certificate), Pasaporte, pahayag mula sa tagapagtala ng county (county recorder), o opisyal na sertipiko ng binyag.
- Report Card/Transcript mula sa dating paaralang pinasukan (hindi nalalapat sa mga bagong mag-aaral sa TK o Kindergarten)
- Kasalukuyang IEP (kung naaangkop)
- Kasalukuyang 504 plan (kung naaangkop)
- Mga dokumento sa hukuman ukol sa Custody/Diborsiyo (kung naaangkop)
- Kautusan ng Hukuman/Restraining Order (kung naaangkop)
- Kasunduan ng Magulang ng Foster Youth (kung naaangkop)
Kabilang sa Katibayan ng Paninirahan (Proof of Residence) ang:
- Isang (1) orihinal: Property Tax Bill, Pagpapatunay ng Mortgage, Deed of Trust, Close of Escrow, Rental Agreement, o Lease
- Dalawang (2) kasalukuyang bayarin: telepono, cable TV, PG&E, EBMUD, basura, bangko, statement, medikal, o liham mula sa gobyerno (may petsa at naipadala sa loob ng nakalipas na 30 araw)
- Pagkakakilanlan ng Magulang/Legal na Tagapangalaga (lisensya sa pagmamaneho o pasaporte)
- Kontrata sa Pagpapatunay ng Paninirahan (Residency Verification Contract). Para sa mga pamilyang lumipat o nasa baitang na naglilipat (transitioning grade).
- Kasunduan sa Pagpapatunay ng Paninirahan (Residency Verification Contract)
- Kontrata sa Pagpapatunay ng Tirahan (Spanish)
- Residence Verification Contract (Chinese)
***Ang Shared Residency Contract ay dapat personal na kunin o maaari kang humiling ng kopya sa pamamagitan ng email mula sa [email protected]
Dokumentasyon ng Kasaysayan ng Kalusugan:
- Mga Talaan ng Bakuna para sa sumusunod na pagbabakuna: Polio, DTP, Tigdas, Beke, Rubella (MMR), Varicella (Bulutong-tubig), at Hepatitis B
- HINDI makakapagsimula ng klase ang iyong anak hanggang sa makapagbigay ka ng dokumentasyon ng LAHAT ng kinakailangang pagbabakuna na dapat nang matanggap sa kasalukuyan.
- Kailangan ang Physical Exam para sa pagpasok sa ika-1 baitang (wasto ang mga pagsusuri hanggang 18 buwan bago ang pagpasok)
- Talaan ng Pagsusuri sa Ngipin (Dental Examination Record) (Kailangang pagsusuri para sa lahat ng mag-aaral sa kanilang ika-1 taon sa pampublikong paaralan)
- Pahintulot na Magbigay ng Iniresetang Gamot
Mahalagang Paalala: Hangga't hindi pa namin nabe-verify ang iyong aplikasyon, ang iyong mag-aaral ay hindi pa garantisadong may puwang sa nakatalagang paaralan.