California State Seal of Biliteracy
I-download ang Poster ng Seal of Biliteracy dito.
Ano ang State Seal of Biliteracy?
Ang State Seal of Biliteracy ay isang pagkilala mula sa State Superintendent of Public Instruction para sa mga magsisipagtapos na mag-aaral sa high school na nakamit ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsasalita, pagbabasa, at pagsusulat sa isa o higit pang wika bukod sa Ingles. Ang State Seal of Biliteracy ay minamarkahan ng isang gintong selyo na nakadikit sa diploma o transcript.
Paano Mo Makakamit ang California State Seal of Biliteracy?
Upang makuha ang California State Seal of Biliteracy, ang mga magtatapos na senior sa high school ay dapat magpakita ng kahusayan sa Ingles at sa isa o higit pang wika bukod sa Ingles.
Saan ako makakahanap ng higit pang impormasyon tungkol sa State Seal of Biliteracy?
May karagdagang impormasyon tungkol sa State Seal of Biliteracy sa web page ng California Department of Education State Seal of Biliteracy sa https://www.cde.ca.gov/sp/el/er/sealofbiliteracy.asp
Pamantayan para sa State Seal of Biliteracy
Mga Kinakailangan sa Kahusayan sa Ingles (English Proficiency Requirements):
Kumpletuhin ang lahat ng kinakailangan sa pagtatapos sa English Language Arts (ELA) nang may 3.0 grade point average (GPA) o mas mataas o pumasa sa ELA California Assessment of Student Performance and Progress sa antas na "standard met" o mas mataas o pumasa sa isang pagsusulit sa AP English nang may 3 o mas mataas o may iskor na 480 o mas mataas sa seksyon ng Evidence-Based reading and writing ng SAT o may 4 o mas mataas sa isang pagsusulit sa International Baccalaureate (IB).
Mga Kinakailangan sa Kahusayan sa Ikalawang Wika:
Pumasa sa alinman sa isang pagsusulit sa Advanced Placement (AP) na may tatlo o mas mataas, isang pagsusulit sa International Baccalaureate (IB) na may apat o mas mataas, o pumasa sa isang pagsusulit sa pagsusulat at panayam sa bibig ng ACTFL na may marka na intermediate o mas mataas. O kaya, pumasa sa isang pagsusuring inaprubahan ng distrito na may parehong antas ng higpit gaya ng pagsusulit sa AP O kumpletuhin ang apat na taong kurso sa mataas na paaralan sa wika na may 3.0 GPA o mas mataas AT magpakita ng kahusayan sa pagsasalita ng wika.
Karagdagang Kinakailangan para sa mga Estudyanteng Kasalukuyang Nakaklasipika bilang mga English Learner:
Magpakita ng kasanayan sa Ingles sa pamamagitan ng pagkuha ng ORAL composite na marka na 4 sa English Language Proficiency Assessments for California (ELPAC)
Pathway to Biliteracy (Ika-8 Baitang)
Ang Home Language Development Recognition Award ay iniaalok sa mga mag-aaral sa ika-8 baitang na multilingguwal na nagpapakitang patuloy nilang pinapaunlad ang kanilang sariling wika sa labas ng paaralan. Ang parangal na ito ay idinisenyo upang ipagdiwang ang kanilang landas tungo sa biliteracy at hikayatin ang mga mag-aaral na ipagpatuloy ang pag-aaral ng wika sa high school at makuha ang Seal of Biliteracy na iginagawad ng estado. Ipinagkakaloob ang mga sertipiko sa mga mag-aaral sa ika-8 baitang na matagumpay na nakatugon sa lahat ng pamantayan.
Kwalipikasyon:
Mga mag-aaral sa ika-8 baitang na patuloy na nagpapaunlad ng kanilang wika sa tahanan sa labas ng paaralan at kumukumpleto ng mga kinakailangan sa tinukoy na petsa.
Mga Kinakailangang Aktibidad:
Kukpletuhin ng mga mag-aaral nang mag-isa ang sumusunod na apat na aktibidad sa kanilang sariling wika sa tahanan. Pipirmahan ng magulang, tagapag-alaga, o caregiver ang form ng dokumentasyon at magpapatunay na ang kanilang anak ay may mga pagkakataong paunlarin at panatilihin ang kanilang wika sa tahanan at regular na lumalahok sa bawat isa sa apat na domain. Kasama sa Completion Form ang mga sumusunod na aktibidad at ibibigay sa mga mag-aaral kapag natanggap na ang aplikasyon:
- Makinig sa isang aktibidad sa kanilang sariling wika (home language).
- Magsumite ng recording ng mag-aaral na nagsasalita sa kanilang sariling wika.
- Magbasa ng isang aklat (fiction o nonfiction) sa kanilang sariling wika sa tahanan.
- Magsumite ng isang sample ng pagsulat sa kanilang sariling wika.
Pathway to Biliteracy (Ika-5 Baitang)
Ang elementaryang Biliteracy Attainment Award na ito ay idinisenyo upang ipagdiwang ang matataas na antas ng bilingguwalismo at hikayatin ang mga mag-aaral na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral ng wika sa antas sekundarya. Ang Spanish Biliteracy Attainment Recognition Award ay ibibigay sa mga mag-aaral sa ika-5 baitang na nakatugon sa mga pamantayan.
Kwalipikasyon:
Mga mag-aaral sa ika-5 baitang sa Spanish Biliteracy Pathway
Mga mag-aaral sa ika-5 baitang sa programang Spanish Dual Language Immersion (DLI).
Mga mag-aaral sa ika-5 baitang na bilingual at biliterate sa Espanyol at Ingles
Mga Kinakailangang Aktibidad:
1. Sanaysay ng opinyon sa Ingles:
Paksa: Bakit mahalaga ang pagiging biliterate para sa iyo, sa iyong komunidad, at sa mundo?
2. Impormatibong sanaysay sa wikang Espanyol:
Paksa: Pumili ng paksa na labis mong kinahihiligan at sumulat ng isang sanaysay na nagbibigay-kaalaman (informative essay). (Halimbawa: isang hayop na mahal mo, isang pampalakasan na nilalaro mo, isang bagay na ginagawa mo kasama ang iyong pamilya tulad ng pagluluto o paglalakbay, isang lugar na gusto mong bisitahin, atbp.)
Pamantayan:
Iskor sa English STAR Reading na 40% o mas mataas
Iskor sa Spanish STAR Reading na 40% o mas mataas
Magpakita ng kahusayan sa pagsusulat sa Ingles at Espanyol sa pamamagitan ng pagkuha ng iskor na 4 sa rubric sa pagsusulat para sa bawat sanaysay.
Nag-aalok ang San Leandro Unified ng Pagkilala sa Pakikilahok sa Programa ng Spanish Biliteracy. Ang sertipikong ito ay idinisenyo upang ipagdiwang ang biliteracy at hikayatin ang mga mag-aaral na magpatuloy sa pakikilahok sa mga programang multilingguwal. Ibibigay ang Pagkilala sa Biliteracy sa mga mag-aaral sa ika-5 baitang sa Mga Programa ng Dual Language.