Para sa mga Kontratista
Hinihikayat namin ang mga lokal na vendor na mag-apply!
PROGRAMA SA PRE-QUALIFICATION NG KONTRATISTA –CUPCCAA(PCC Seksyon 22000; 22034)
Public Works Contractor Registration Program (DIR SB854)
Programa sa Pagsubaybay sa Karaniwang Sahod (Prevailing Wage Monitoring Program - DLSE PWC-100)
Pinagtibay ng San Leandro Unified School District ang California Uniform Public Construction Cost Accounting Act (CUPCCAA) na nakasaad sa California Public Contract Code (PCC) Seksiyon 22000. Pinahihintulutan ng CUPCCAA ang distrito na magsagawa ng mga Informal Bidding Procedure (PCC Seksiyon 22034) para sa mga proyektong pangkonstruksiyon ng mga gawaing pampubliko na nagkakahalaga ng $75,000 hanggang $220,000 kasama ang mga prequalified na kontratista. Magpapanatili ang Distrito ng isang bagong listahan ng mga prequalified na kontratista para sa lahat ng larangan. Ang lahat ng nakaraang pre-qualification ay pawang mawawalan na ng bisa.
Ang mga kontratistang nais lumahok sa programang informal bidding ay dapat magbigay ng impormasyong hinihingi sa kalakip na Contractors Prequalification Application Form at Questionnaire. Mangyaring kumpletuhin ang buong form at ibalik ito sa pamamagitan ng email kay Renee Robles o ipadala sa koreo sa San Leandro Unified School District, Attn: Renee Robles, Bond Office, 1145 Aladdin Ave., San Leandro, CA 94577.
Bilang karagdagan, ayon sa Labor Code 1725.5 Subsection (f) na naging batas noong Hulyo 1, 2017, ang lahat ng kontratista na nagnanais mag-bid o gumawa ng trabaho sa mga pampublikong proyekto ay kinakailangang magparehistro sa Department of Industrial Relations. Ang lahat ng ahensya, tulad ng Distrito, ay dapat magsama sa Notice Inviting Bids at mga dokumento ng Kontrata ng mga probisyong tumutukoy na ang proyekto ay sasailalim sa pagsubaybay at pagpapatupad ng pagsunod ng DIR. Kinakailangan ng Distrito na magsumite ng Form PWC-100 sa DIR para sa mga pampublikong proyekto na nagkakahalaga ng $15,000 pataas para sa gawaing pagpapanatili at $25,000 pataas para sa bagong konstruksyon, pagbabago, pag-install at demolisyon o pagkukumpuni. Ang mga Certified Payroll ay dapat direktang isumite ng Kontratista sa DIR. Walang pampublikong kontrata ang igagawad sa isang Kontratista at walang subkontratista ang magsasagawa ng trabaho maliban kung ang kompanya ay wastong nakarehistro sa DIR. Ang impormasyon tungkol sa Programa sa Pagpaparehistro ng Kontratista ng DIR at pagsunod ay maaaring ma-access online sa dir.ca.gov