Pagsasanay sa Kaligtasan sa Internet para sa mga Mag-aaral
Ang mga mag-aaral sa mga baitang K-12 ay lalahok sa isang online na programang pampagtuturo na tumatalakay sa ligtas at responsableng paggamit ng mga computer. Tuturuan ng programa ang mga mag-aaral sa wastong paggamit ng mga computer ng paaralan, pagsusuri ng mga online na sanggunian, kung paano maging ligtas sa internet, responsableng pakikipag-chat at social networking. Maaaring ma-access ng mga mag-aaral ang programang ito sa tahanan at sa paaralan sa sumusunod na website: https://www.schoolbranch.com/login/sanleandro-ca
Nilalayon ng programang ito na tugunan ang ilan sa mga kritikal na pangangailangang pang-instruksyon ng mga paaralan upang turuan ang mga mag-aaral na maging ligtas sa internet at responsable sa kanilang mga desisyon habang online.
Umaasa kaming magiging kapaki-pakinabang ang programang ito para sa iyong mag-aaral at magbibigay ito ng pundasyon para sa hinaharap na pagtuturo tungkol sa angkop na paggamit ng internet, kaligtasan, at responsableng paggawa ng desisyon. Detalyado sa ibaba ang buod ng nilalaman.
Kabilang sa AUP online para sa mga baitang K-1 (humigit-kumulang 10 minuto) ang:
- Paggamit ng mga computer sa paaralan
- Hindi pagbabahagi ng mga access code
- Paano maging ligtas sa email at kung ano ang gagawin kapag hindi komportable ang natanggap na email
Kabilang sa online AUP para sa mga baitang 2-3 (humigit-kumulang 15 minuto) ang:
- Paggamit ng mga computer sa paaralan
- Hindi pagbabahagi ng mga access code
- Ano ang personal na impormasyon at kung ano ang hindi dapat ibahagi sa iba
- Kung paano maging ligtas sa email at pagmemensahe sa telepono at social networking
- Ano ang dapat gawin kung ang email ay mula sa hindi mo kakilala
- Panimula sa pambu-bully/cyberbullying
Kasama sa online na AUP para sa mga baitang 4-5 (humigit-kumulang 60 minuto) ang:
- Ano ang dapat gawin kapag nagbabahagi ng kagamitan at software sa paaralan
- Kaligtasan sa internet at social networking
- Pambubulas/cyber bullying, kung paano ito makikilala at kung ano ang dapat gawin
- Pagpapaunlad ng etikal at panlipunang pananagutan, kabilang ang pagkilala sa may-akda (attribution) at plagiarism
- Paglagda sa Kasunduan sa Katanggap-tanggap na Paggamit (Acceptable Use Agreement) at elektronikong dokumentasyon ng pagsunod
Kasama sa online AUP para sa mga baitang 6-7-8 (humigit-kumulang 2 oras) ang:
- Mga panuntunan sa paggamit nang sama-sama ng kagamitan sa kompyuter sa paaralan
- Pagpapanatiling ligtas ng mga access code at pribado ang personal na impormasyon
- Kredibilidad ng impormasyon sa internet, triangulation para ma-verify
- Paggalang sa gawa ng iba, pagkilala (attribution) at plagiarism
- Social networking, kaligtasan, mga panganib ng sexting
- Mga pag-uugali ng pambu-bully/cyberbullying at kung ano ang dapat gawin (biktima, nakasaksi)
- Paglagda sa Kasunduan sa Katanggap-tanggap na Paggamit (Acceptable Use Agreement) at elektronikong dokumentasyon ng pagsunod
Kasama sa online AUP para sa mga baitang 9-12 (humigit-kumulang 60 minuto) ang:
- Pagsusuri ng mga pangunahing tuntunin kapag gumagamit ng mga computer ng paaralan
- Kredibilidad ng impormasyon sa internet
- Paggalang sa gawa ng iba, pagkilala (attribution), plagiarism at pandaraya
- Kaligtasan at social networking, mga panganib ng sexting
- Mga pag-uugali ng pambu-bully/cyberbullying at kung ano ang dapat gawin (biktima, nakasaksi)
- Paglagda sa Kasunduan sa Katanggap-tanggap na Paggamit at elektronikong dokumentasyon ng pagsunod