EL Master Plan: Kabanata 5
PAKIKILAHOK NG PAMILYA
Kinikilala at pinahahalagahan ng SLUSD ang pagkakaiba-iba ng wika at kultura na dinadala ng mga pamilya ng English learner sa komunidad ng paaralan. Naniniwala kami na ang mga pamilya ay mahahalagang kasosyo na nag-aambag ng mga natatanging pananaw sa pangkalahatang tagumpay ng kanilang mga anak at naghahanap kami ng mga makabagong pagkakataon upang makipagtulungan sa kanila. Nakatuon ang SLUSD sa matatag at nagtutulungang ugnayan na sumusuporta sa pagpapalitan ng impormasyon, makabuluhang pakikipag-ugnayan, at makabuluhang partisipasyon na nagpapatibay sa pagkatuto at tagumpay ng mag-aaral. Bilang bahagi ng pangakong ito, maraming paaralan ang may Parent Facilitator na malapit na nakikipagtulungan sa (mga) Punong-guro upang matiyak na ang mga pamilya, kabilang ang mga may mag-aaral na English learner, ay nakadarama na malugod silang tinatanggap at naipakikilala sa mga pamamaraan ng paaralan, mga mapagkukunan, at mga opsyon sa programa kapag una silang nagpatala sa isa sa aming mga paaralan.
Komunikasyon
Kailangang malaman ng mga pamilya ng English learner ang tungkol sa mga pagkakataon, aktibidad, at programa sa distrito at paaralan na nakakaapekto sa kanilang mga anak. Maraming paraan ang mga pamilya para manatiling nakikipag-ugnayan sa kanilang paaralan at sa distrito. Upang mapadali ang komunikasyon, nakatuon ang SLUSD sa pagbibigay ng interpretasyon at pagsasalin upang matiyak ang pagiging accessible ng impormasyon sa lahat ng pamilya, ayon sa hinihiling ng batas at kung posible. (Sa ilalim ng batas ng estado, dapat magbigay ang mga paaralan ng nakasulat na komunikasyon sa pangunahing wika ng magulang kapag labinlimang porsyento (15%) o higit pa sa mga mag-aaral ang nagsasalita ng wikang bukod sa Ingles.) Ang mga sumusunod na kagamitan ay magagamit ng lahat ng pamilya:
- ParentSquare
- Pagsasaling-wika at interpretasyon
- Mga newsletter at bulletin ng distrito, paaralan, at silid-aralan
- Komunikasyon ng tagapangasiwa para sa magulang
- Mga opisyal na abiso sa pamilya (mga report card, taunang abiso, atbp.)
- Social Media
Makabuluhang Pakikilahok
Upang makapagbigay ng pinag-isang karanasan para sa mga pamilya sa iba't ibang programa, may apat na paraan ng pakikilahok na iniaalok ang SLUSD:
- Mga pagkakataon sa pagboboluntaryo
- Mga kaganapan sa komunidad
- Mga Workshop sa Pagkatuto ng Pamilya at mga sesyon ng pakikipag-ugnayan ng Parent Facilitator
- Mga Advisory Committee
Mga Pagkakataong Magboluntaryo
Tinatanggap ng mga paaralan sa buong distrito ang mga pamilya na magboluntaryo sa mga silid-aralan, sa mga pampaaralang aktibidad at mga kaganapan sa antas ng distrito. Upang magboluntaryo, maaaring makipag-ugnayan ang mga pamilya sa parent facilitator o tagapangasiwa ng paaralan upang makakuha ng impormasyon tungkol sa mga pamamaraan at kinakailangan.
Mga Kaganapan sa Komunidad
Ang mga wika at kulturang dinadala ng mga English learner at ng kanilang mga pamilya sa ating mga paaralan ay mahahalagang kontribusyon sa ating mga komunidad sa pagkatuto. Nagdaraos ang mga paaralan ng mga panlipunan at pangkulturang kaganapan, kabilang ang mga carnival, panggabing pagtitipon ng pamilya, pagpaparangal, mga holiday event, at pagdiriwang ng pamanang kultura. Hinihikayat ng distrito ang pakikilahok sa mga kaganapan ng lungsod at komunidad na nagdiriwang at nagtatampok sa pagkakaiba-iba ng ating komunidad sa San Leandro.
Mga Workshop sa Pagkatuto at Sesyon ng Pakikipag-ugnayan ng Pamilya
Bilang isang institusyong pang-edukasyon, naniniwala ang SLUSD sa panghabambuhay na pagkatuto at pagpapaunlad ng kakayahan. Bukod sa mga kawani, kabilang dito ang ating mga pamilya at katuwang sa edukasyon. Mayroong maraming pagkakataon para sa mga pamilya na makibahagi sa patuloy na pagkatuto at mga paraan upang maging lider na magulang sa mga paaralan at sa antas ng distrito.
Kabilang sa ilan sa mga iniaalok ang mga workshop na sumusuporta sa mga magulang sa pag-unawa at paggamit sa sistema ng paaralan at mga serye ng pamumuno na nakatuon sa epektibong adbokasiya. Ang mga serye ng pagkatuto ay iniaalok sa mga paaralan at sa antas ng distrito sa maraming paksa kabilang ang, ngunit hindi limitado sa: mga affinity group, teknolohiya, kaligtasan, patakaran, pagiging magulang, atbp. Ang layunin ay palakasin ang kapasidad sa pamumuno ng mga magulang ng EL upang matiyak na ang mga pamilya ng EL ay may malakas na boses sa mga programa at patakaran ng distrito.
Bilang karagdagan, ang San Leandro High School ay may mga programa at kaganapan para sa Kolehiyo at Karera na sinusuportahan ng kawani ng distrito at paaralan. Ang mga tagapayo, coordinator ng Kolehiyo at Karera, at mga facilitator para sa magulang ay sumusuporta sa mga pamilya at mag-aaral upang magabayan sila sa mga kinakailangan sa A-G, pagpili ng kurso, internship, pagkatutong nakabatay sa trabaho, at iba pang mga programa sa komunidad. Tinitiyak ng mga kawaning ito na malugod na tinatanggap ang mga bagong dating sa komunidad ng paaralan at nalalaman nila kung anong mga pagkakataon ang mayroon para sa tagumpay ng English learner sa antas ng sekundarya.
Mga Komite sa Pagpapayo ng Magulang (SSC, ELAC, DELAC)
Ang makabuluhang pakikilahok sa antas ng pagpapayo ay isang mahalagang bahagi ng edukasyon ng ating mga mag-aaral. Bilang bahagi ng pagsisikap ng distrito na sistematikong isali ang mga pamilya ng mga EL sa edukasyon ng kanilang mga anak, ang distrito ay nagtatatag ng mga patakaran at pamamaraan para sa School Site Councils (SSC), English Language Advisory Committees (ELAC) sa antas ng paaralan, at ang pampurok na ELAC (DELAC) sa antas ng distrito. Sa bawat antas ng komite, ang mga pamilya ng mga EL ay may mga pagkakataong makilahok sa edukasyon ng kanilang anak, makipagtulungan sa mga kawani ng distrito, tumanggap ng pagsasanay, magsuri ng mga serbisyo sa pagtuturo, at magbigay ng mga rekomendasyon.
School Site Council (SSC)
Kasama sa responsibilidad ng SSC ang pangangasiwa sa mga programang sumusuporta sa lahat ng mag-aaral, kabilang ang mga EL. Sa pakikipagtulungan sa tagapangasiwa ng paaralan, sinusuri at ineendorso ng SSC ang School Plan for Student Achievement (SPSA), na kinabibilangan ng mga pinondohan na programa at paglalaan ng mga mapagkukunan sa paaralan. Kasama sa pagiging miyembro ang mga tagapangasiwa ng paaralan, mga guro, iba pang kawani ng paaralan, mga pamilya, at mga miyembro ng komunidad. Malugod na tinatanggap ang lahat ng pamilya na dumalo sa mga pagpupulong ng SSC.
English Learner Advisory Committee (ELAC)
Ayon sa Education Codeng California, ang bawat paaralan na may dalawampu't isa (21) o higit pang EL ay dapat magtatag ng isang aktibong ELAC. Ang ELAC ay isang komiteng tagapayo na ang layunin ay magbigay ng opinyon at payo sa pamunuan ng paaralan. Ang mga ELAC ay hindi mga konsehong nagpapasya, at hindi rin sila nag-aapruba ng mga gastusin mula sa anumang pinagmumulan ng pondo. Gayunpaman, nagbibigay sila ng opinyon at payo sa mga desisyon ng paaralan at sa paggamit ng mga pinagmumulan ng pondo na nakalaan para sa mga EL.
Responsable ang ELAC para sa mga sumusunod na gawain:
- Pagpapayo sa tagapangasiwa ng paaralan sa pagbuo ng plano ng paaralan para sa mga English Learner at pagsusumite ng plano sa SSC para sa pagsasaalang-alang ng pagsasama sa School Plan for Student Achievement (SPSA).
- Pagtulong sa pagbuo ng pampaaralang pagtatasa ng mga pangangailangan.
- Pagtatalakay ng mga paraan upang ipabatid sa mga magulang ang kahalagahan ng pagpasok sa paaralan.
- Paghalal ng isang miyembro sa Komite ng Pagpapayo para sa English Learner ng Distrito (District English Learner Advisory Committee o DELAC).

Mga Alituntunin sa Pagkakasapi sa ELAC:
- Kasama sa Pagiging Miyembro ng ELAC ang mga magulang at kawani ng paaralan. Dapat ay mas marami ang mga magulang kaysa sa mga miyembro ng kawani sa komite.
- Ang minimum na porsyento ng mga magulang ng EL sa ELAC ay limampu't isa (51) na porsyento. Gayunpaman, kung ang porsyento ng mga mag-aaral na EL sa isang paaralan ay higit sa 51 porsyento, ang porsyento ng mga magulang ng EL sa ELAC ay dapat tumugma o lumampas sa porsyento ng kabuuang populasyon ng EL sa paaralan.
- Ang mga miyembro ng ELAC ay mga inihalal na magulang o tagapangalaga ng mga EL o ng mga Reclassified na mag-aaral na nasa loob ng 4 na taon ng pagsubaybay.
- Ang mga kinatawan ng kawani ng paaralan ay pinipili ng kawani, at ang mga miyembrong magulang ay inihahalal ng mga magulang/tagapangalaga ng mga EL.
Mga Alituntunin para sa Pagpapatupad ng ELAC
Ang isang detalyadong paglalarawan ng mga pamamaraan para sa pagtatatag ng isang ELAC ay nakabalangkas sa SLUSD ELAC Handbook na ipinapamahagi taon-taon sa mga tagapangasiwa ng paaralan.
- Ang punong-guro (o itinalaga) ang may pananagutan sa pagtatatag ng ELAC at sa pagtiyak na ang ELAC ay nagpupulong nang hindi bababa sa quarterly.
- Ang punong-guro (o itinalagang kinatawan) ay makikipagpulong sa pangulo ng ELAC upang planuhin ang agenda bago ang bawat pagpupulong ng ELAC at tutulungan ang pangulo ng ELAC sa pagpapatakbo ng mga pagpupulong.
- Ang mga petsa ng pulong ay tutukuyin at ipapaalam nang maaga. Dapat makatanggap ang mga magulang ng abiso nang hindi bababa sa 72 oras bago ang mga pulong ng ELAC.
- Ang mga pagpupulong ng ELAC ay isasagawa nang may mga agenda at katitikan.
- Magpapatibay ang ELAC ng mga patakaran na aakma sa mga natatanging katangian at pangangailangan ng paaralan.
- Magbibigay ang bawat paaralan ng interpretasyon at pag-aalaga ng bata para sa mga pulong.
- Pananatilihin ng punong-guro (o itinalagang kinatawan) ang lahat ng rekord ng ELAC (kalendaryo, mga flyer/anunsyo, mga adyenda, mga katitikan, mga talaan ng pagdalo) sa kanilang paaralan.
- Ang mga miyembro ng ELAC ay bibigyan ng angkop na pagsasanay, mga kagamitan, at impormasyon upang matulungan sila sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin.
- Pananagutin ng distrito ang mga paaralan at titiyakin ang pagsunod sa mga pamamaraang ito at kaugnay na legal na mandato, patakaran, at alituntunin.
Pagpapalipat ng Awtoridad ng ELAC
Maaaring ipagkaloob ng ELAC ng bawat paaralan ang awtoridad nito sa isang naitatag na School Site Council (SSC), basta't ang ELAC ay unang naitatag nang maayos, sinanay sa mga ipinag-uutos na kinakailangan, wastong naabisuhan tungkol sa karapatang ipagkaloob ang mga kinakailangang ito, at bumoto na ipagkaloob ang awtoridad nito sa SSC. Ang pagkakaloob ng awtoridad ay hindi dapat lumampas sa dalawang taon.
Para maidelega ng ELAC ang awtoridad nito sa SSC, ang mga sumusunod na katanungan ay dapat masagot lahat nang may pagsang-ayon (oo):
- Ang populasyon ba ng EL sa paaralan ay mas mababa sa 50% (elementary) o 25% (sekondarya)?
- Wasto bang naitatag ang ELAC?
- Ganap bang naipabatid sa ELAC ang opsyon na ipagkatiwala ang awtoridad nito sa isang regular na naka-iskedyul na pagpupulong?
- Naabisuhan ba at nasanay ang ELAC tungkol sa kanilang mga legal na pananagutan bago maganap ang botohan upang magtalaga ng awtoridad?
- Nagkakaisang bumoto ba ang ELAC na italaga ang awtoridad nito sa SSC sa isang regular na naka-iskedyul na pulong at naitala ba ang desisyong ito sa mga talaan ng pulong (minutes) ng ELAC?
- Nabatid ba sa SSC ang lahat ng legal na responsibilidad ng ELAC sa isang regular na nakaiskedyul na pagpupulong ng SSC?
- Bumoto ba ang SSC na tanggapin ang lahat ng responsibilidad ng ELAC sa isang regular na naka-iskedyul na pagpupulong ng SSC at itinala ang desisyong ito sa mga katitikan ng pagpupulong ng SSC?
- Nakatanggap ba ang paaralan ng nakasulat na pag-apruba mula sa Assistant Superintendent o itinalaga nito?
Kung naaprubahan ang desisyon na idelega ang awtoridad, dapat magbigay ng payo ang subcommittee ng ELAC sa SSC tungkol sa mga programa at serbisyo ng EL, at partikular sa muling pag-uuri (reclassification), SPSA, pagtatasa ng mga pangangailangan ng paaralan, kahalagahan ng pagpasok sa paaralan, at mga badyet ng kategorya, kabilang ang Title III at Title I.
District English Learner Advisory Committee (DELAC)
Dahil mayroong 51 o higit pang English Learner sa distritong ito, mayroong aktibong District English Learner Advisory Committee (DELAC). Ang DELAC ay nagbibigay sa mga magulang ng pagkakataong magpayo sa Lupon ng Edukasyon tungkol sa mga programa at serbisyo para sa mga English learner at itaguyod ang kalidad ng kanilang edukasyon.
Dapat payuhan ng DELAC ang namumunong lupon ng distrito ng paaralan sa kahit man lang sumusunod na mga gawain:
- Pagbuo ng isang master plan ng distrito para sa mga programang pang-edukasyon at serbisyo para sa mga English learner. Isasaalang-alang ng master plan ng distrito ang mga master plan ng bawat paaralan.
- Pagsasagawa ng pagtatasa ng mga pangangailangan sa buong distrito sa bawat paaralan.
- Pagtatatag ng programa, mga layunin, at mga adhikain ng distrito para sa mga programa at serbisyo para sa mga English learner.
- Pagbuo ng isang plano upang matiyak ang pagsunod sa anumang naaangkop na mga kinakailangan para sa guro at/o katulong ng guro.
- Suriin at magbigay ng komento sa mga pamamaraan ng reclassification ng distrito ng paaralan.
- Suriin at magbigay ng komento sa mga nakasulat na abisong kailangang ipadala sa mga magulang at tagapangalaga.
- Kung ang DELAC ay gumaganap bilang parent advisory committee para sa English learner sa ilalim ng Mga Seksyon 52063(b)(1) at 52062(a)(2) ng California Education Code, susuriin din at magbibigay ng komento ang DELAC sa pagbuo o taunang pag-update ng Local Control and Accountability Plan (LCAP).
Mga Alituntunin sa Pagiging Miyembro ng DELAC
- Ang bawat ELAC sa paaralan ay maghahalal ng isang kinatawan at kahalili para sa DELAC na isang magulang ng English learner o ng isang na-reclassify na mag-aaral na nasa apat na taong yugto ng pagsubaybay.
- Ang termino ng panunungkulan para sa mga miyembro ng DELAC ay dalawang taon at ang mga kinatawan ay maaaring muling mahalal para sa isa pang termino kung kwalipikado pa rin sila (sumangguni sa Mga Bylaw).
- Kung ang isang miyembro ay kailangang palitan sa loob ng taon, maglilingkod ang kapalit para sa nalalabing bahagi ng taon. Dapat magsagawa ng halalan sa simula ng susunod na taon upang punan ang posisyon.
- Ang bawat kinatawan ay may pananagutan na dumalo sa lahat ng pagpupulong ng DELAC at maglahad ng impormasyong natanggap sa mga pagpupulong ng ELAC ng paaralan.
- Ihahalal ng mga kinatawan ng DELAC ang mga sumusunod na opisyal bawat taon:
- Isang pangulo na mamumuno sa lahat ng pagpupulong
- Isang bise-presidente upang mamuno sa mga pagpupulong kung wala ang presidente
- Isang kalihim na siyang mananagot para sa mga katitikan ng pulong (minutes)
- Ang isang parliamentarian ang mananagot sa pananatili sa mga paksa ng adyenda
Mga Alituntunin para sa Pagpapatupad ng DELAC
- Ang DELAC ay magpupulong nang 6-8 beses bawat taon at gagana alinsunod sa mga alituntuning nakasaad sa mga regulasyon ng estado at pederal at sa mga batas nito.
- Ang mga adyenda at katitikan ng mga pagpupulong ng DELAC ay ipo-post sa website ng distrito nang hindi bababa sa 72 oras bago ang mga pagpupulong.
- Ang tagapangasiwa ng distrito o itinalagang kinatawan ay magsisilbing district liaison sa DELAC. Tutulungan ng taong ito ang DELAC Board sa paghahanda ng agenda, mga abiso sa pulong, mga kaayusan para sa mga pulong, paghahanda ng mga talaan ng pulong (minutes), at lahat ng komunikasyong nauukol sa DELAC.
- Pangungunahan ng Pangulo ng DELAC ang mga pagpupulong at pipirmahan ang lahat ng liham, ulat, at iba pang komunikasyon ng komite, nang may paunang pag-apruba ng mga miyembro. Sakaling wala, magbitiw, o hindi magampanan ng Pangulo ang mga tungkulin, ang Pangalawang Pangulo ang gaganap sa mga tungkuling ito.
- Ipaaabot ng DELAC ang kanilang patuloy na payo sa Tagapamahala at Lupon ng Namamahala sa pamamagitan ng tagapangasiwa ng distrito o itinalagang kinatawan.
- Bibigyan ang mga miyembro ng DELAC ng angkop na pagsasanay, mga materyales, at impormasyon upang matulungan sila sa pagtupad ng kanilang mga responsibilidad at anumang kinakailangang tungkulin.
